-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Umani ng positibong reaksyon mula sa mga netizens ang pinaplanong pagtatayo ng Libungan Riverview Park sa Libungan, Cotabato.

Inilahad ng LGU-Libungan ang kanilang plano sa pagpapatayo nito na malapit sa Libungan Bridge at tabi lamang ng Libungan River.

Ang lugar ay naging kilala na rin sa karamihan dahil sa magandang tanawin rito lalo na tuwing papalubog ang araw o sunset.

Ayon sa ilang mga pumupunta sa lugar, perfect place umano ito para makapagnilay-nilay at makapag-unwind dahil sa preskong hangin at payapang kapaligiran.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang LGU-Libungan sa pamumuno ni Mayor Francis Aris Yu sa mga may-ari ng lupa kung saan ito ipapatayo para mapag-usapan ang plano rito na posibleng magiging panibagong tourist attraction sa bayan at buong probinsya.