Nagpadala na ng liham ang Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal sa national government upang hilingin ang pansamantalang pagpapahinto ng lahat ng lisensyadong mining activities sa buong probinsya.
Partikular na nagpadala ng liham si Rizal Gov. Rebecca Ynares kina Pangulong Rodrigo Duterte at kay DENR Sec. Roy Cimatu.
Sa nasabing sulat, umapela ang provincial government kay Pangulong Duterte at sa DENR na kanselahin at ipatigil ang lahat ng mga MPSA-licensed mining activities sa lalawigan.
Ang parehong kahilingan ay ginawa na rin daw noon ng Provincial Government matapos ang pananalasa ng Bagyong Ondoy noong 2009.
Muli naman nilang inulit ang kahilingan noong 2016.
Sa pahayag ng Provincial Government, noong matapos ang paghagupit ng Ondoy, naglabas ang DENR ng isang pag-aaral na nagsasabi na hindi raw pagmimina ang dahilan ng pagbaha.