-- Advertisements --

Tumama ang magnitude 4 na lindol sa bahagi ng Rizal sa Occidental Mindoro kaninang tanghali.

Kinumpirma ito ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa isang anunsyo.

Ayon sa ahensya, naganap ang pagyanig sa nabanggit na lugar pasado alas 12:37 kanina.

Natukoy naman ang sentro nito sa layong 19km Timog Kanluran ng naturang bayan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tectonic ang naging pinagmulan o origin na lindol at may lalim itong 10 kilometro sa lupa.

Kaugnay nito ay Naitala ang Instrumental Intensities:

Intensity III – Magsaysay, Occidental Mindoro
Intensity I – Mamburao, Occidental Mindoro

Samantala, wala naman itong inaasahan pang aftershock at pinsala matapos ang naganap na pagyanig.