Kumpiyansa ang Rizal Provincial Police Office na hindi lamang iisa ang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa pitong panadero sa Antipolo Massacre case.
Ayon kay Rizal PNP Director PCol. Felippe Maraggun, iniimbestigahan pa rin nila ang bawat anggulo na maaaring pagugatan ng krimen dahil hindi sapat ang mga naging pahayag at dahilan ng suspek sa naging kaniyang pagpatay.
Ani Maraggun, mababaw ang naging dahilan ng suspek at hindi kapani-paniwalang nagawa niya ito ng magisa.
Tinitignan na ngayon ng Rizal PNP na maaaring may kasabwat ang suspek at patuloy namang pinagaaralan pa ang mga nakalap na ebidensya upang matiyak na magiging airtight ang mga kasong kahaharapin ng suspek.
Samantala, nagsagawa na rin ng case conference ang Antipolo City Police sa pagngunguna ni Antipolo Police Officer-In-Charge PLtCol. Ryan Manongdo kasama angmga imbestigador na may hawak sa kaso.
Nasa kustodiya na rin ngayon ng pulisya ang suspek at narekober na rin ang motorsiklong ginamit nito para tumakas sa mga otioridad.