-- Advertisements --

CEBU – Naka-full alert status ngayon ang Regional Mobile Force Battalion sa Central Visayas matapos ang pag-ambush patay sa dalawang army intelligence noong Huwebes, Nobyembre 24, sa Barangay Camboguit, Sipalay City, Negros Occidental.

Inihayag ni Police Lieutenant Colonel Ronan Claravall, ang force commander ng RMFB 7 na nagbigay na ito ng kautosan sa kanyang mga personnel na nakabase sa Negros Oriental na maging handa anumang oras kung may parehong insidente na nangyari sa Negros Occidental.

Napatay sa ambush sila si Sergeant Regie Glendro at Ken Camilan ng 47th Infantry Battalion.

Ayon kay Claravall na dinoble nila ngayon ang kanilang pagsisikap sa intelligence gathering laban sa kahit anumang banta sa kanilang area of jurisdiction.

Nabatid na ang RMFB 7 ay may dalawang maneuver company na nakabase sa Negros Oriental, ang 704th station sa bayan ng Mabinay at 705th sa bayan naman ng Santa Catalina.