-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ngayon ang RnB singer na si Chris Brown dahil sa pananakit sa isang babae.

Naganap ang insidente sa kaniyang bahay sa Los Angeles noong Hunyo 18.

Ayon sa Los Angeles Police Department (LAPD) na rumesponde sila sa isang tawag ng pananakit sa isang bahay sa Citrus Ridge Drive sa San Fernando Valley area sa Los Angeles.

Hindi na naabutan ng mga otoridad ang singer at tanging ang complainant lamang ang humarap sa mga otoridad.

Sa reklamo ng biktima na bigla na lamang itong sinapak ng singer sa likod ng kaniyang ulo hanggang ito ay matumba.

Inihain na ng mga otoridad ang kaso sa attorney’s office.