-- Advertisements --
Pacquiao roach
Pacquiao ang Roach

Mas nais ni boxing coach Freddie Roach na tuluyan ng magretiro si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Ito ay kahit na nagwagi siya sa laban kay Keith Thurman sa pamamagitan ng split decision at makuha ang WBA “super” welterweight title.

Ayon pa sa beteranong boxing trainer na hindi na gaanong matindi ang performance ng fighting senator kumpara noong ito ay bata-bata pa.

Ikinakabahala nito ang reklamo ni Pacquiao sa kaniyang paningin matapos na magtamo ng sugat sa kaniyang mata mula sa laban kay Thurman.

Aminado din ito na nahihirapan na ang Filipino boxing champion sa pinakahuli nitong laban.