-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Isinagawa na ng lokal na pamahalaan ng Kabacan, Cotabato ang mandato ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ipagpatuloy ang road clearing.

Matatandaang sa unang linggo (November 16-20, 2020) ay nagsagawa ng information dissemination ang LGU sa mga masasagasaan ng naturang kautusan.

Kaugnay nito, bukal naman sa loob ng publiko na binaklas na ng lokal na pamahalaan ang mga imprastrakturang pasok sa klasipikasyon ng DILG na obstruction ang mga ito.

Nilinaw naman ni Kabacan Municipal Administrator Ben Guzman na pinayagan mismo ng mga may-ari ang LGU na magbaklas.

Panawagan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa mga residente na sumunod sa kautusan ng DILG dahil ito ay para sa lahat at makiisa para sa kaunlaran ng bayan.