-- Advertisements --

DAGUPAN CITY- Patuloy ang isinasagawang road clearing operation ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa mga pangunahing lansangan sa lungsod.

Pinagbabaklas kahapon ng mga otoridad ang mga puwestong nasakop na ang kalsada.

Kinumpiska rin ang mga gamit at naglalakihang tarpaulin na nakahambalang sa sidewalk partikular sa bahagi ng barangay Lucao.

Ayon sa DPWH, umabot sa 20 stalls ang nabaklas nila kahapon.

Alinsunod ito sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte at ng Department of the Interior and Local Government na linisin ang mga nakaharang sa right of way ng kalsada.

Samantala, magiging mahigpit ang monitoring ng mga otoridad para masigurong hindi bumalik ang mga binaklas na stalls.