LAOAG CITY – Aabot na sa mahigit 600 na pamilya o 1,935 na indibidual ang inilikas dito sa Ilocos Norte matapos tumaas ang lebel ng tubig dahil sa Bagyo Egay.
Karamihan sa mga rescue operations ay isinagawa sa mga critical areas ng Laoag City tulad ng Sitio Lusong sa Barangay 29 kung saan 50 na pamilya ang inilikas, Barangay Cavit, Cabungaan, Zamboanga, Camanggaan, Gabu, at Barangay 1.
Sinabi naman ni Barangay Chairman Elviro Agoo sa Barangay Davila sa bayan ng Pasuquin na dahil sa lakas at laki ng alon sa dagat ay umabot sa mga kabahayan.
Dahil dito a nasira ang ilang mga bahay na gawa sa light materials partikular sa Sitio Diriqui kaya’t inilikas nila kagabi ang mahigit 100 na pamilya.
Nagpapatuloy na man ang road clearing operations dahil maraming natumbang poste ng kuryente at punong-kahoy kung saan naitala rin ang pagguho ng lupa sa Barangay Pancian sa bayan ng pagudpud at ito ay hindi pa madaaan.
Sa ngayon ay wala pa ring suplay ng kuryente sa buong lalawigan.
Samantala, sinuspendi pa rin ni Gov. Matthew Marcos Manotoc ang trabaho dito sa lalawigan ngayong araw para masiguro ang kaligtasan ng mga empleyado at residente.
Sa sira naman sa imprastraktura at agrikultura ay patuloy pa rin ang pag-assess ng mga iba’t-ibang local government unit.
Maalala na kahapon ay indineklara ang State of Calamity dito sa Ilocos Norte dahil sa Bagyo.