-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magsisimula na sa November 16 ang nationwide clearing operations.


Ayon kay DILG Spokesperson USec Jonathan Malaya, pinirmahan na ni DILG Sec. Eduardo ang isang memorandum kung saan ipinag-utos sa mga local government units na simulan muli ang clearing operations program.

Nagtakda kasi ng deadline ang kalihim sa mga LGUs na dapat sa January 15,2021 ay cleared na ang mga daanan.

Kaya binigyan nito ng dalawang buwan ang mga LGUs para ipagpatuloy ang kanilang road clearing operations.

Nilinaw naman ni Malaya na kapag ang isang lugar ay nasa ilalim ng modified general community quarantine dapat ipatupad nila ang road clearing batay sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Mananatili namang suspendido ang road clearing program sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine.

Pero sa mga lugar na nasa General Community Quarantine, dapat magiging partial ang implementation.

Umaasa naman si Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano na ipapakita pa rin ng mga LGUs ang kanilang pagiging agresibo sa implementasyon ng road clearing program sa kabila ng nararanasang Covid-19 pandemic.

Layon kasi ng pamahalaan na maging ligtas at accessible ang mga daanan na walang mga obstructions.