-- Advertisements --
DILG Sec Ano
Interior and Local Government Secretary Eduardo Año

Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na magpapatuloy ang national road clearing program at siniguro na quartery ang gagawing validation sa mga local government units.

Kinumpirma ng DILG na sa darating na Disyembre gagawin ang panibagong validation.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, na ang challenge ngayon sa mga local government officials para i-maintain ang kalinisin sa kalye.
Road clearing program magpapatuloy; validation nakatakda sa December – DILG

Bagamat marami pa ang dapat gawin, pinuri naman ng Pangulong Rodrigo Duterte ang DILG dahil sa matagumpay ang kampanya.

“The President was very satisfied and he commended the DILG Under Secretary Eduardo Ano and the LGUs with resounding applause from hm and all Cabinet members during Cabinet meeting last Friday,” pahayag ni Malaya.

Nuong Biyernes, iniulat ng DILG na nasa 1,148 LGUs nationwide ang pumasa habang 97 LGUs ang makakatanggap naman ng show cause orders dahil sa walang ginawa sa road clearing operations.
Road clearing program magpapatuloy; validation nakatakda sa December – DILG

Nasa 6,899 na mga kalye sa buong bansa ang cleared for obstruction.

Sa datos ng DILG, 328 LGUs ang nakatanggap ng high compliance rating, 497 ang nakakuha ng medium compliance rating, 323 LGUs ang may low compliance rating at 97 ang hindi nakapasa.

“So, our advice to all LGUs is not to let their guard down, maintain and sustain what they have accomplished, continue with their road clearing operations, otherwise they will join the 97 LGUs that have been issued show cause orders by Secretary Año,” pahayag ni Malaya.

Ang 97 LGUs na bibigyan ng show cause order:
Region 1: 11
Region 2: 1
Region 3: 1
Region IV-B: 7
Region 5: 10
Region 6: 1
Region 7: 12
Region 8: 9
Region 9: 18
Region 10: 13
Region 11: 3
Region 12: 3
Region 13: 4
CAR: 4