Pinaplantsa na ng gobyerno ang isang road map para maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon at kakulangan sa supply ng tubig.
Ang road map ay iprinisinta kagabi kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isinagawang ika-36 na Cabinet meeting sa Malacañang.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na nakapaloob sa road map ang mga immediate, medium at long-term interventions gaya ng pagpapaigting sa kampanya ng pagtitipid sa tubig at enerhiya, gayundin ang paglikha ng Department of Water at Department of Disaster Resilience.
Ayon kay Panelo, nakapaloob din sa plano ang dredging ng mga waterways, pagpapalit ng mga tunnels at aqueducts, paglalagay ng water tank systems sa lahat ng Department of Health (DoH) hospitals at paglalaan ng pondo para sa pagtatayo ng water treatment plants.
“The Cabinet then discussed the first item on the agenda, which is mitigating the effects of El Niño and water shortage. A roadmap was presented, which included immediate, medium and long-term interventions, such as making an intensive campaign for the conservation of water and energy, creating a Department of Water and a Department of Disaster Resilience, dredging of waterways, replacing tunnels and aqueducts, installing water tank systems in all Department of Health hospitals and providing funding for the establishment of water treatment plants,” ani Sec. Panelo.