-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Magpapatupad ng traffic rerouting ang Sultan Kudarat PNP bilang bahagi ng paghahanda sa Decommissioning Process ng MILF Combatants sa Old Maguindanao Provincial Capitol sa Simuay, Sultan Kudarat, Maguidanao ngayong Sabado, September 7.

Sinabi ni Sultan Kudarat PNP Chief, Major Julhamin Asdani na ang mga motoristang magmumula sa Pagadian City at Cotabato City na papuntang Davao City ay dadaan sa Crossing Pinaring sa Barangay Limbo, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Habang ang mga sasakyan na magmumula sa Davao City papuntang Pagadian at Cotabato City ay normal route lang ang dadaanan.

Simula sa public terminal sa Crossing Simuay ay one way lamang ang dadaanan ng mga sasakyang mula sa Davao City.

Samantala, ayon pa kay Asdani, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga sasakyan sa loob ng Old Provincial Capitol kung saan magaganap ang Decommissioning Process na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bawal naman pumasok ang mga motorsiklo mula Crossing Simuay hanggang sa DPWH ng Sultan Kudarat.

Kaugnay nito, naka-antabay naman Medical Team ng Sultan Kudarat LGU para sa mga mangangailangan ng medical assistance sa araw ng Decommissioning Process.

Ilan sa mga babantayan ng medical team ay ang heat stroke, pagkahilo at pagtaas ng blood pressure ng mga dadalo sa aktibidad dahil sa mainit na panahon.

Simula ngayong araw ay operational na ang Incident Command Post and Assistance Center ng sa bahagi ng Public terminal ng bayan.