Nilagdaan kahapon, Abril 21, 2025 nang Philippine Red Cross (PRC) at Department of Transportation (DOTr) kasama ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno ang isang road safety preparedness sa bansa.
Layon ng Memorandum of Agreement (MOA) sinning na paigtingin ang edukasyon at kamalayan sa road safety, palakasin ang crash response, at isulong ang kaligtasan sa transportasyon sa buong bansa.
Kasama sa mga lumagda sa kasunduan sina PRC Chairman Richard Gordon, DOTr Secretary Vivencio Dizon, at iba pang opisyal mula sa CAAP, PCG, LTO, LTFRB, at MARINA.
Ayon sa World Health Organization, road crash ang ika-apat na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino, habang iniulat ng PSA na tumaas ng 39% ang mga namamatay sa aksidente sa kalsada sa nakaraang dekada.