Bukas 24/7 ang ilang serbisyo ng Toll Regulatory Board kasabay ng ilang araw na pagdagsaan ng mga biyahero sa kasagsagan ng paggunita ng Araw ng mga Santo at Kaluluwa
Ayon sa TRB, nakakalat na ang mga Road Safety Team nito sa iba’t-ibang bahagi ng National Capital Region, kasama na sa mga lansangang palabas ng rehiyon upang magbantay sa lagay ng trapiko.
Kabilang sa mga serbisyong 24/7 ngayong Undas ay ang Emergency Vehicle Repair Service, Security Patrol, at First Aid Stations.
Bukas din ang Digital Media Office at Public Assistance Team ng naturang opisina para tumugon sa mga tawag mula sa mga motorista.
Ayon sa TRB, bahagi ng kanilang tungkulin ay ang suriin kung handa rin ang Toll Service Facilities sa paglobo ng mga motorista.
Sa kasalukuyan, nakapagtayo na rin ang TRB ng mga Motorists Assistance Stations, nasigurong bukas ang lahat ng toll lanes, habang ipinapatupad din ang libreng towing services sa mga Class 1 vehicles.
Ayon sa TRB, sapat ang mga personnel nitong nakadeploy sa mga lansangan katuwang ang iba pang mga unit ng Department of Transportation(DOTr) na siyang pangunahing tumututok kalagayan at kapakanan ng mga motorista.