KORONADAL CITY – Hustisya ang pawanagan ng pamilya Dequit matapos binaril-patay ang kanilang kaanak sa bahagi ng Brgy. Topland, Koronadal City.
Nabatid na nangyari ang naturang pamamaril sa barangay plaza kagabi kung saan hindi pa rin kilala ang suspek na nasa likod sa pagpatay Eustaquio Dequit alyas Memo sa gitna ng kapistahan ng naturang barangay.
Narekober sa crime scene ang tatlong basyo ng kalibre .45 na armas.
Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Pastor Mario Dequit, kapatid ng biktima, inamin nitong may record na noon ng pagnanakaw si Memo at dati na rin itong nakulong dahil sa naturang kaso.
Sa ngayon kino-contact na nila ang iba pa nilang mga kapatid upang ipaalam ang pagkamatay ni alyas Memo.
Napag-alamang ikaapat si Eustaquio sa 13 magkakapatid kung saan naulila nito ang kaniyang apat na anak.