-- Advertisements --

Posibleng makabalik na sa Philippine Basketball Association si Robert Bolick matapos itong kunin ng NLEX Road Warriors sa nagpapatuloy na 48th Season ng liga.

Ito ay matapos ma-trade kasama si Kent Salado kapalit nina Don Trollano, Kris Rosales, Ben Adamos at second-round draft pick para sa Season 49.

Sa ngayon, parehas ang kartada ng koponan sa Rain or Shine na may 2-5 win loss record.

Nakatakdang magtutuos ang Road Warriors at Tropang Giga ngayong Miyerkules, December 13, 2023.