-- Advertisements --

Muling magbabalik sa mundo ng Marvel superhero ang actor na si Robert Downey Jr matapos ang limang taon.

Gaganap siya bilang si Dr. Victor Von Doom na isang kilalang kontrabida sa comic books na isinapelikula.

Ipapalabas sa Mayo 2026 ang Avengers: Doomsday na mayroong installment na “Secret Wars” pagkatapos ng isang taon.

Ipinakilala ang mga bida sa ginanap na Comic Con sa San Diego kung saan sinorpresa ng actor ang mga audience.

Ang 59-anyos ay naging instrumento sa paglunsad ng Marvel movie universe kung saan ito ay bumida sa unang pelikula nito sa Iron Man noong 2008.

Huling Marvel movie nito ay noong 2019 sa Avenger: Endgame.