-- Advertisements --
Itinalaga ni US president-elect Donald Trump bilang kaniyang secretary of health si anti-vaccine activist at conspiracy theorist na si Robert F. Kennedy Jr.
Sinabi ni Trump na isang malaking karangalan na piliin si Kennedy.
Si Kennedy ay matagal ng environmental campaigner na umatras sa pagtakbo sa pagkapangulo at inindorso si Trump.
Nais ni Trump na magkaroon ng kakaibang pagbabago sa healthcare si Kennedy.