-- Advertisements --

Umatras na sa pagtakbo bilang pangulo ng US si Robert F. Kennedy Jr.

Sinabi nito na kaniya na lamang ibibigay ang buong suporta kay dating US President Donald Trump.

Nagpasalamat naman si Trump dahil sa hayagang pagsuporta sa kaniya ng independent candidate.

Maging ang runningmate ni Kennedy na si Nicole Shanahan ay lubos din ang pasasalamat dahil sa pagpili sa kaniya na makasama.

Isinagawa ni Kennedy ang anunsyo isang araw matapos na pormal ng tanggpin ni Democratic candidate at Vice President Kamala Harris ang kaniyang nominasyon.