-- Advertisements --
Nanumpa na bilang US health secretary si Robert F. Kennedy Jr.
Pinangunahan ni Supreme Court Justice Neil Gorsuch ang panunumpa ni Kennedy kasama ang asawa nitong Cherly Hines.
Ang nasabing panunumpa ay isinagawa ilang oras matapos na makalusot ito sa kumpirmasyon ng Senador na nakakuha ito ng 52 na pumabor at 48 ang kumontra.
Nahaharap sa batikos si RFK Jr dahil sa hindi ito pumapabor sa pagpapabakuna at ang pagsuporta nito sa abortion rights.