-- Advertisements --

Inalok na ng kasal ni Robi Domingo ang nobya nitong si Maiqui Pineda.

Sa social media ng dalawa ay nagpost sila ng video ng proposal na ginanap pa sa Tokyo, Japan.

Nasa Japan kasi ang dalawa nitong Halloween break kasama ang ilang malapit na kaibigan nilang sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Ria Atayde, Zanjoe Marudo at Joshua Garcia na nakasaksi ring proposal.

Unang naiplano ng TV host/ actor na gawin ang proposal sa New York subalit dahil sa kumplikado ang schedule ay binago niya ito.

Mahigit apat na taon ng magkasintahan ang dalawa at wala pang petsa kung kailan ang kasal nila.