Ikinasal na ang TV host na si Robi Domingo sa non-showbiz fiancee nitong si Maiqui Pineda sa Diocesan Shrine and Parish of San Isidro Labrador matapos ang mahigit isang taon na engagement..
Ilan sa mga principal sponsors ng kasal ay ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid, Piolo Pascual, Dra. Vicky Belo, at dating bise-presidente Leni Robredo.
Dinaluhan din ito ng celebrity friends nila gaya nina Darren Espanto, Enchong Dee, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at Joshua Garcia.
Nauna ng sinabi ni Domingo na tuloy ang kanilang kasal sa kabila ng rare autoimmune disease na sakit ni Maiqui Pineda.
Nagkita sina Robi at Maiqui noong college pa lamang sila sa Ateneo de Manila University pero nagsimula lamang magkakilala sa isang Christmas party noong 2017.