-- Advertisements --
Madamdaming ibinahagi ng TV host na si Robi Domingo sa kanyang official social media account ang pagpanaw ng kanyang lola kasabay ng pagdiriwang ng kasal niya noong Enero 6.
Ayon sa kay Robi, hindi agad sinabi ng pamilya niya ang pagpanaw ng kanyang lola, dahil kasalukuyang ipinagdiriwang ng TV Host ang isa sa pinakamaligayang bahagi ng buhay niya.
Inalala rin ni Robi ang mga magagandang ala-ala niya kasama ang lola niya na “Ina” kung tawagin niya, kung saan isa ito sa mga umaruga na kanya noong maliit pa lamang siya.
Ibinahagi rin niya ang paborito niyang ube halaya at leche flan na gawa ng pumanaw niyang lola.
Sa kabila ng pagluluksa, pinasalamatan pa rin ng TV host ang mga dumalo sa kasal nila ng non-showbiz partner na si Maiqui Pineda.