-- Advertisements --

Naging emosyonal ang sikat na host na si Robi Domingo kasabay ng pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan.

Nagdiwang si Robi ng kaniyang 35th birthday noong Sept. 27, kung saan sa parehong araw ay nag-post ito ng video sa kanyang social media, dito inalala niya ang mga natutunan niya sa buhay at realisasyon noong siya ay ikinasal.

Tanging hiling umano ni Robi sa kaniyang kaarawan ay ang gumaling ang misis niyang si Mauiqui na na diagnosed sa hindi pa matukoy na autoimmune disease.

Ayon pa sa aktor,nakadepende pa sa doctor kung kalian makakalabas ang kaniyang asawa sa ospital.

Sa kabila ng mga kabiguan, nanatiling positibo si Robi na ang karamdaman ng asawa niyang si Maiqui ay isang hamon lang sa kanilang buhay na lilipas din at matutupad din nila ang kanilang pangarap na magkaroon ng sariling pamilya.

Ani Robi sa kanilang magiging anak pagdating ng araw, “I am so ready to give all my love para sayo… siguro hindi pa panahon, but I am hoping na mangyari yun,”