-- Advertisements --

Nanumpa ang actor na si Robin Padilla sa PDP-Laban sa ilalim ng Cusi faction.

Sa kaniyang social media account ay nag-post ang actor ng mga larawan at video na kuha ng kaniyang panunumpa sa harap ni Energy Secretary Alfonso Cusi na siyang tumatayong pangulo ng partido.

Bukod pa sa actor ay kasama nitong nanumpa sa partido ang kapatid niyang si Rommel.

Sinabi naman ni Atty. Melvin Matibag ang secretary general ng partido na kasama ang actor sa listahan ng partido na tatakbong senador pero kanilang tinitignan muna ang winnability nito.