-- Advertisements --
Robin Padilla
Robin Padilla/ IG post

KORONADAL CITY- Itinuturing na tamang desisyon ng mga dating miyembro ng rebeldeng grupong Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang kanilang pagbalik loob sa gobyerno matapos makatanggap ang mga ito ng tulong mula sa pamahalaan.

Napag-alaman na ang nasabing tulong ay ang livelihood package mula sa gobyerno lokal ng Maguindanao kung saan isinagawa ang turnover ceremony na sinaksihan mismo ng mga opiyal ng Maguindanao, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Director Janice Musali, Department of Agriculture-BARMM Director Datun Nur at highlight din sa turnover ceremony ang aktor at peace advocate na si Robin Padilla.

Napag-alaman na nagbigay ng inspirational message si Robin sa mga dating rebelde para sa kanilang tuluyang pagbabagong buhay at ipinakita din nito ang malaking respeto at suporta sa programa ng gobyerno na nagsusulong ng kapayapaaan.

Ikinatuwa naman ng mga dating rebelde ang presensiya ng aktor lalo na at idol nila ito.

Kung maalala ang 30 mga rebelde ay sumuko sa 33rd Infantry Battalion Philippine Army.