Nagtrending sa social media ang actor na si Robin Padilla dahil sa pahayag nito laban sa mga bumabatikos sa gobyerno ngayong panahon ng coronavirus pandemic.
Sa kaniyang Instagram account kasi ay nagpost ito ng video ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ianunsiyo niya ang paglalagay sa ilang bahagi ng bansa sa modified enhance community quarantine.
Naglagay ito ng caption na dapat ang mga tao ay kumilos para makatulong at mapakinabangan ang sarili, pamilya at bayan.
Hinikayat pa nito ang mga tao na pumasok sa reservist.
Magugunitang naghayag ng ineterest ang actor na pumasok bilang army reservist ang actor.
Matapos ang post nito ng actor ay nagtrending ito sa Twitter kung saan umani ito ng magkakahalong reaksyon.
Isa rito ay si dating Senator Antonio Trillanes, na siya ring pangunahing kritiko ni Pres. Duterte.