-- Advertisements --
robinsons mall
Robinsons Mall

TACLOBAN CITY – Patuloy ang monitoring ng mga otoridad sa nasunog na pinakamalaking mall sa Tacloban.

Sa ngayon ay aabot na sa 30-40% ng buong Robinson’s Place na nasa Marasbaras sa Tacloban City ang apektado at hindi pa naidedeklarang fire out.

Gayunman siniguro naman ng Bureau of Fire Protection (BFP) na kontrolado na nila ang sitwasyon.

Ayon kay S/Supt. Renato Marcial, regional director ng BFP Regional Office 8, binabantayan pa rin nila ang nasusunog na powerhouse ng mall na nagbubuga ng maitim na usok.

Binasag na na rin aniya nila ang mga bintana at salamin sa mall upang mapasok ng mga bombero ang iba pang nasusunog na bahagi.

Ayon naman kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, posibleng abutin pa ng Pasko at ilang buwan bago maibalik sa normal ang operasyon ng mall.

Umaasa naman itong matutulungan ang mga apektadong empleyado sa mall na posibleng mawalan ng trabaho dahil sa nangyaring sunog.