NAGA CITY – Naniniwala ang kampo ni Vice Presidet Leni Robredo na hindi tatanggapin ng Duterte administration ang mga naging pahayag at rekomendasyon nito na may koneksyon sa kampanya laban sa iligal na droga.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay dating Naga City Coun. Jun Lavadia, malapit na kaibigan ng Pamilya Robredo, sinabi nitong malinaw ang mga naging pahayag ng bise presidente lalo na ang mga naging rekomendasyon nito.
Ngunit ayon kay Lavadia, hindi ito pakikinggan ng administrasyon dahil naniniwala aniya ang mga ito na tama at mabuti ang kanilang ginagawa.
Sa kabila nito, umaasa si Lavadia na hihimaying mabuti ng administrasyon ang lahat na mga naging kasyon sa drug war.
Dapat din aniyang maintindihan ng publiko na may poder din si Robredo na magsalita dahil isa ito sa may pinakamataas na posisyon sa bansa.
Nanawagan man si Lavadia sa mga Pinoy na magkaisa na lamang para tuluyan ng masolusyunan ang problema sa iligal na droga sa Pilipinas.