-- Advertisements --

NAGA CITY – Aminado ngayon ang kampo ni Vice President Leni Robredo na nababahala na sila sa mga nagyayaring pagbabago sa electoral protest.

Ito’y matapos muling madismaya ang mga taga suporta ng bise presidente nang hindi na naman naisapubliko ng Supreme Court na tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang resulta sa inihaing protesta ni dating Sen. Bongbong Marcos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Kapitan Elisa Carmona ng Brgy. Tabuco sa lungsod ng Naga, sinabi nitong hindi nila maiwasang kabahan sa posibilidad na gumawa ng manipulasyon ang kabilang kampo laban kay Robredo.

Aniya, idadaan na lamang nila sa dasal ang lahat ng mga pwede pang mangyari sa naturang protesta.

Nabatid na umaasa sana ang kampo ng bise presidente na matatapos na ngayong araw ang usapin sa VP race matapos hindi matuloy ang pagsasapubliko noong isang linggo.