NAGA CITY- Nagbunyi ang kampo ni VP Leni Robredo matapos nitong tanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na posisyon bilang Drug Czar.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay former Naga City Councilor Jun Lavadia, malapit na kaibigan ng pamilya Robredo sinabi nitong, una pa lamang positibo na siyang tatanggapin ng Bise Presidente ang nasabing posisyon.
Ayon kay Lavadia, tama lamang ang desisyon ni Robredo at may tiwala siya sa mga isasagawang hakbang nito.
Aniya, laban rin ito ng buong bansa kung kaya kailangan ng magkaisa at magtulong tulong ang bawat isa sa pagsugpo ng droga.
Sa ngayon, kampante ang kampo ng Bise Presidente na magagampanan nito ang responsibilidad lalo na sa pagsugpo ng transaksyon ng illegal na droga sa bansa.
Samantala, bukas Nobyembre 7 inaasahan ang isang selebrasyon ng mga supporters ng Bise Presidente hinggil sa naging pagtanggap nito ng nasabing posisyon.