-- Advertisements --
ROXAS CITY – Dedma na lamang at ayaw nang patulan pa ni Bise-Presidente Leni Robredo ang hamon ni Presidente Rodrigo Duterte na pamunuan nito ang kampanya kontra ilegal na droga ng gobyerno.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Robredo, sinabi nito na ayaw na niyang mag-komento pa dahil hindi umano makatutulong sa bansa kung magpapalitan lamang sila ng pahayag ng pangulo.
Sa ngayon ayon kay Robredo, nais niyang pagtuunan ng pansin ang natitirang tatlong taon nito sa termino upang makatulong sa mga Pilipino.
Matatandaan na inihayag ni Pangulong Duterte na isasailaim niya ang kanyang police power kay Robredo para siyang magresolba ng problema sa droga sa bansa matapos itong batikusin ng bise-presidente.