-- Advertisements --

Tutol si House Speaker Alan Peter Cayetano sa ideya na sumama pa si Vice President Leni Robredo sa mga anti-illegal drugs operations.

Dahil nasa line of succession si Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Cayetano na hindi na marapat pang sumama ito sa mga operasyon kontra iligal na droga.

Kaya kung siya ang tatanungin, iginiit ni Cayetano na hindi na dapat payagan pa ng PSG si Robredo na makibahagi sa naturang mga operasyon kahit pa Co-Chairperson ito ng Inter-Agency on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Hindi naman kasi aniya basta-basta ang mga buy-bust operations, na kadalasan ay nauuwi pa sa palitan ng putok ng baril.

Mas makabubuti ayon sa lider ng Kamara na mag-monitor na lamang ito sa command center at huwag nang ikompromiso pa ang sarili sa anti-illegal drugs operations.

“I don’t think that it’s possible eh. I mean kung ako sa PSG at siya ang nasa line of succession ay hindi ko siya papayagan,” ani Cayetano.