Nanindigan si Vice Pres. Leni Robredo sa kanyang posisyon kontra sa madugong istilo ng kampanya kontra iligal na droga ng Duterte administration.
Ito ang bungad na salita ng pangalawang pangulo nang makaharap ang mga miyembro ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) sa unang pagkakataon ngayong araw.
“I am all for vigorously anti-drug campaign. Pero I also feel that we should do things right,” ani Robredo.
“I do not see this as a problem of crime only. Ang kalaban natin dito ay hindi anh kababayan natin. Ang kalaban natin ay ang droga.”
Umaasa si Robredo na may matututunan sya sa meeting ngayong hapon lalo na’t nakaharap na rin niya chairman ng komite na si Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director general Aaron Aquino at Philippine National Police (PNP) officer in charge Archie Gamboa na implementors ng kampanya.
“I am all for evidence-based strategy and approach. Kaya nag-usap kami ni Gen. Aquino. Sabi ko this afternoon will be a listening exercise for me.”
“Kaya nga ko nagpatawag ng meeting is gusto ko malaman kung saan ako magsisimula. Gusto ko malaman yung datos. Gusto ko malaman kung saan tayo nagkulang?”
“I want to take this opportunity to contribute in whatever way I can.”