-- Advertisements --

Hindi pa tapos ang laban para kay Vice President Leni Robredo isang araw pagkatapos ng 2019 midterm elections.

Pahayag ito ni Robredo nitong araw matapos na dominahin ng mga inendorsong kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte ang partial at unofficial tally ng mga boto sa senatorial race.

Sa isang statment, iginiit ni Robredo na dapat manatiling mapagmatyag at bantayan ng mga Pilipino ang pagbibilang ng mga boto.

“Pagod man tayong lahat sa kampanya at sa mahabang araw kahapon, sulit ang lahat dahil pinanindigan natin ang ating mga prinsipyo at paniniwala. May laban pa tayong hinaharap,” ani Robredo.

Dahil hindi pa aniya tapos ang bilangan, kailangan pa rin itong bantayan.

Samantala, pinuri naman ni Robredo ang ipinamalas na tapang at dedikasyon ng mga kandidato at volunteers sa kanilang adhikain.

“Huwag natin ito bitawan. Paghugutan natin ng lakas ang bawat isa,” dahdah pa nito.

Nanawagan naman din ang Bise Presidente sa mga PIlipino na magkaisa at ipagpatuloy ang magandang laban nang sama-sama.