Hindi sang-ayon si Vice President Leni Robredo sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na bakuna lang ang sagot para mapahupa ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Banat ito ng pangalawang pangulo matapos saksihan ang regular press conference ng presidente nitong Lunes ng gabi.
“Di ko matiis magkaroon ng takeaways. Hindi yata sapat na basta may ospital, kama at punerarya, ang kailangan nalang gawin ay maghintay ng vaccine.”
Sa naturang presscon, binatikos ng pangulo ang mga nakaraang pahayag at suhestyon ni Robredo para sa COVID-19 response, na tila nakukulangan sa ginagawang hakbang ng administrasyon.
Ayon sa pangulo, ginagawa naman ng mga nakatalagang opisyal ang kanilang trabaho para maserbisyuhan ang mga tinatamaan ng sakit.
Sinabi pa ni Duterte na baka pwedeng mag-spray na lang ng pesticide para talagang mawala na ang coronavirus disease sa bansa. Pero sagot ni Robredo: “Hindi maso-solusyunan sa pag spray ng pesticide sa Manila galing sa eroplano.”
Watched the regular Monday Presscon tonight.
— Leni Robredo (@lenirobredo) September 21, 2020
Di ko matiis magkaroon ng takeaways. Hindi yata sapat na basta may ospital, kama at punerarya, ang kailangan nalang gawin ay maghintay ng vaccine.
Eto po yung mga main challenges na identified ngayon at kailangan natin pagtulungan: pic.twitter.com/nMb01qjZcI
Ayon sa bise presidente, ang mga sumusunod na hamon ang kailangang pagtuunan ng pansin ng pamahalaan:
- Using medical and non-medical interventions to combat the virus that causes the disease;
- Addressing the poverty, hunger, unemployment, mental distress, and other problems caused by the pandemic;
- Restructuring public and private finances;
- Rebuilding the economy in an inclusive, resilient, and sustainable way.
Sa huling tala ng Department of Health, umaabot na sa 290,190 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas mula Enero.