Nagsalita na si Vice President Leni Robredo tungkol sa pinakahuling banat sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Sinabi ni Robredo sa isang panayam na ang dating sa kanya ng mga pahayag ni Pangulong Duterte ay parang hindi umano presidente ang nagsasalita.
Pinuna rin ng pangalawang pangulo ang umano’y pagiging pikon ng Pangulong Duterte.
Iginiit din ni Robredo na ang isyu ay hindi lamang daw sa pagbigay ng pera sa kanya para mamalengke ng COVID-19 vaccines.
Kung maaalala, inihayag ni Pangulong Duterte kamakailan na bibigyan niya raw ng pera si Robredo para bumili ng bakuna.
Paliwanag ng Pangulong Duterte, pahirapan daw ang pagbili ng bakuna ngayon dahil sa mataas ng demand sa iba’t ibang bahagi ng mundo.