-- Advertisements --
zarate
Carlos Zarate

Kinalampag ni House Deputy Minority leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate si Vice President Leni Robredo na kaagad imbestigahan ang kaso ng mga nasawi sa Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel.

Ginawa ni Zarate ang naturang hamon matapos na tanggapi ni Robredo ang alok na appointment ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-Chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Sinabi ni Zarate na dapat na kumilos si Robredo sa pagresolba sa mga kaso ng extra-judicial killings (EJKs) sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

“VP Leni should also start inveatigation proceedings on the police officers involved in the more than 5,000 persons killed under Oplan Tokhang and Oplan Double Barrel,” ani Zarate.

Iginiit din nito na dapat kumilos na rin ang Pangalawang Pangulo para maisapubliko ang lahat ng mga datos hinggil sa mga ikinasang drug operations para malaman ng taumbayan ang katunayan sa madugong kampanya kontra iligal na droga.

Dapat din aniyang pangunahan nito ang pag-imbita sa mga UN investigators at iba pang independent bodies na silipin ang war on drugs ng pamahalaan.