MANILA – Kinondena ni Vice President Leni Robredo ang ambush na ikinasawi ni Calbayog, Samar Mayor Ronaldo Aquino.
VP Leni Robredo on the ambush of Calbayog Mayor Ronaldo Aquino:
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 9, 2021
It should not be treated as normal that mayors, community organizers, lawyers, judges, journalists, children, & even victims of the drug trade are outright murdered in our streets/in their homes. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/dXS08DuW6z
“Ilang araw matapos ang massacre ng mga community organizer sa CALBARZON, sinasalubong muli tayo ng isa pang ulat ng pagpaslang,” ani Robredo sa isang statement.
Dismayado ang pangalawang pangulo dahil tila hindi na nakakabigla ang mga insidente ng patayan sa bansa.
Gayunpaman, nanawagan ang opisyal para magising ang publiko at kondenahin ang mga tila nagiging normal nang kultura ng karahasan.
“Hindi normal ang pagpaslang na ito. It should not be treated as normal that mayors, community organizers, lawyers, judges, journalists, children, and even victims of the drug trade are outright murdered in our streets or in their homes.”
Kumbinsido si Robredo na konektado sa pahayag ng ilang matataas na opisyal ang mga insidente ng patayan.
Kung maaalala, siyam na aktibista sa Southern Tagalog ang pinatay noong Linggo. Ilang araw lang mula nang magbigay ng direktiba sa mga sundalo at pulis si Pangulong Rodrigo Duterte na patayin ang mga komunistang rebelde.
“We must connect the dots between these gruesome deaths and see the web that enables and emboldens these killings: Impunity, the normalization and incitement of violence, and the kill, kill, kill rhetoric coming from the highest offices.”
Umapela ng malinis at patas na imbestigasyon ang pangalawang pangulo para maihatid ang hustisya sa pagkamatay ng alkalde.
“Hindi kami titigil sa paggigiit ng karapatan at dignidad at halaga ng buhay ng bawat tao. We call for a clean, competent, and independent investigation into Mayor Ronaldo Aquino’s death, and for his murderers to be brought to justice.”