Nagpaabot na rin ng kanyang panalangin si Vice Pres. Leni Robredo sa lahat ng biktima ng magnitude 6.6 na lindol sa Mindanao nitong araw.
Hinimok ng bise presidente ang publiko na manatiling alerto at handa sa gitna ng mga sakuna katulad ng lindol.
“Nakikiisa tayo sa ating mga kababayan na nabiktima. Ngayong umaga lang, mayroong napakalakas na lindol na naman sa Mindanao. Nakikiisa tayo, sana wala namang mga nasugatan, kasi iyong balita nga natin malakas siya. Pero panahon para balikan natin iyong mga paghahanda na itinuro sa atin.”
“Kasi hindi natin puwedeng isantabi ito. Iyong lindol, napakahirap na sakuna, kasi hindi mo nape-predict kung kailan siya darating, so iyong preparation talaga na kinakailangan, napakahalaga.”
Ang mga tulad daw kasi ng ganitong trahediya ay hindi inaasahan, kaya malaking bagay umano ang pagiging handa at maalam sa mga kailangang gawin.
Nagpaalala rin ito hinggil sa pagsunod sa Building Code para sa mga gusaling naapektuhan at sa mga magtatayo pa lang ng ano mang uri ng imprastuktura.
“Iyong pagsunod— Halimbawa, iyong mga Building Code, iyong pagsunod ng Building Code, pagsunod sa mga existing na mga batas, pag-alala doon sa mga warning ng mga eksperto, kailangan seryosohin. Parati nating ninanais na sana hindi na ito masundan pa, kasi nakakadulot talaga siya ng pagkabahala sa ating mga kababayan.”