-- Advertisements --
OVP24525 2
IMAGE | Vice President Leni Robredo/OVP handout

MANILA – Mahigpit ang paniniwala ni Vice President Leni Robredo na marami pang kailangan isulong para sa pantay na karapatan ng LGBTQIA+ (Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual) community.

Sa kanyang pahayag para sa pagdiriwang ng Pride Month, kinilala ni Robredo ang malaking papel na ginampanan ng komunidad para sa kanilang mga miyembrong inaapi at walang boses.

“Despite this, challenges persist: Mula sa lack of employment opportunities and access to healthcare services, hanggang sa iba’t ibang anyo ng violence at discrimination sa public and virtual spaces,” ani VP Leni.

“Napakarami pang kailangang isulong to truly establish an atmosphere of acceptance and genuine equality for all.”

Ayon kay Robredo, magsilbing hudyat sana ang pagdiriwang ng Pride Month para mapalakas pa ang mga panawagan at hakbang sa pantay na trato sa mga LGBTQIA+.

“Ang layunin natin: Isang lipunan kung saan lahat nasisilungan, lahat natutulungan, lahat naaaruga, anuman ang kasarian o katayuan sa buhay.”

“Kung saan niyayakap ang LGBTQIA+ bilang kapwa tao who have the same rights and dignity, and that deserve the same love, respect and acceptance as everyone else.”

Umaasa ang pangalawang pangulo na sa pamamagitan ng mga kilos at panawagan ay magtutulungan ang bawat isa para maging pantay ang trato ng publiko sa bawat isa.