MANILA – Ipinaalala ni Vice President Leni Robredo sa pamahalaan ang tungkulin nito para mapanatili ang malayang pamamahayag sa bansa.
VP Leni Robredo on #WorldPressFreedomDay: Democracy cannot survive, much less flourish, without a free press that works to keep citizens informed by equipping them with a common, verifiable baseline of fact on issues pertinent to society and governance. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/iCkEDxkQRm
— Christian Yosores (@chrisyosores) May 3, 2021
Sa kanyang mensahe para sa World Press Freedom Day, sinabi ni Robredo na may mahalagang papel ang gobyerno para maprotektahan ang bawat mamamahayag na nagsa-sakripisyo para maihatid ang nararapat na impormasyon sa publiko.
“It remains the task of leaders and governments everywhere to respect and uphold freedom of the press, and to extend every protection to the women and men who must risk their lives, freedom, and reputations to bring to public awareness the truth behind events.”
Kinilala ni VP Leni ang katatagan at katapatan ng bawat journalist, sa loob man o sa labas ng Pilipinas, sa kabila ng mga banta ng pananakot at karasahan sa industriya.
Ayon sa bise presidente, hindi buo ang demokrasya kung hindi malaya ang pamamahayag, lalo na sa panahon na nagkalat ang maling impormasyon at “fake news.”
Batid ni Robredo kung paanong ginagamit ng ilan ang maling impormasyon bilang armas para makatakas sa mga pananagutan at responsibilidad, lalo na pagdating sa hanay ng pulitika.
“Democracy cannot survive, much less flourish, without a free press that works to keep citizens informed by equipping them with a common, verifiable baseline of fact on issues pertinent to society and governance.”
Naniniwala ang pangalawang pangulo na malaki ang papel na gagampanan ng free press para mapagtagumpayan ng bansa ang mga hinaharap na hamon, tulad ng pandemya.
“Depends on an accurate, and truthful, appreciation of both the issues that confront us and the solutions that are available.”
“Today, let us renew our determination to support a free press that makes such an appreciation possible.”