-- Advertisements --
PNP OIC Archie Gamboa
PNP OIC chief Lt Gen. Archie Francisco Gamboa

Pabor si Vice President at anti-drug czar Leni Robredo na manatili ang Oplan Tokhang program ng Philippine National Police (PNP) na isang community based program.

Sa ginawang pagpupulong ng security cluster ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kasama si Robredo, kanilang napagkasunduan na magkaroon lamang ng retooling o magsagawa ng panibagong assessment sa kasalukuyang illegal drug campaign ang PNP partikular sa “Double Barrel” at “Double Barrel Alpha Reloaded” kung saan nakapokus ito sa mga high value targets o mga big time drug lords.

Kumbinsido rin si Robredo na walang nangyayaring patayan sa Oplan Tokhang.

Wala din aniyang pangangailangan na baguhin ang Philippine Anti-Drug Strategy (PADS) na siyang nagiging gabay ng mga nasa law enforcement sector.

Ayon kay Gamboa, inihayag ng pangalawang pangulo na nasa tamang direksiyon ang kanilang kampanya matapos nitong pag-aralan.

“So ‘yun lang naman ang parang gist nung napag-usapan namin and during the ICAD meeting umalis ako nang maaga because of this affair and iniwan ko doon si deputy chief for operations [Lieutenant] General [Camilo] Cascolan. Tatlo yung binrought out niya eh. First is yung going forward, second is measuring success coming up with unified figures and all of these things were addressed already by ICAD even before so it was just a matter of letting her understand that these things had already existed. Probably you know animosity because of where she is in politics where we are. So yun yung parang meeting halfway with the end view that from hereon we move forward,” wika ni Gamboa.

Samantala, hindi na rin bago ang ginawang pakikipag-ugnayan ni VP Leni sa US Intelligence.

Aniya, dati nang ginagawa ng PNP ang makipag-ugnayan sa US Drug Enforcement Agency dahil ang problema sa droga ay hindi lamang problema ng Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa.

Ilang taon na rin umanong wala nang nire-raid na mga shabu laboratory sa bansa, kaya base sa kanilang conclusion ang mga droga ay mula sa ibang bansa at ipinapasok sa Pilipinas.

Sa ngayon nakatuon ang kanilang atensyon sa law enforcement sector na palakasin ang seguridad sa mga boarders ng bansa.

“Seaborne boundaries, airport boundaries. So ito yung napag-agreehan namin na we should have more intel of which foreign counterparts is very essential. Yung source kunwari na mga big haul for the past weeks meron talagang pinanggalingan outside of the Philippines. Of course sorry but I cannot divulge the details of it but we are convinced that a lot of our drugs are coming from the outside,” ani Gamboa.