-- Advertisements --

MANILA – Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na panatilihin ang pananampalataya at pagkakaisa para malagpasan ang mga hamon ng COVID-19 pandemic.

Para kay VP Leni, hindi nalalayo ang dinaranas ngayon ng mga Pilipino, sa naging sitwasyon ng bansa noong panahon ng Martial Law.

“We must find within ourselves that strength, that faith, that fire to continue the work that remains to be done. And in doing so, we must find a way to walk forward together,” ani Robredo.

“Ito ang pinakamahalagang aral ng EDSA, at ito rin mismo ang kailangan natin para malagpasan ang mga hamon ng pandemya at ng kasalukuyang panahon: Na ang sagot sa mga suliranin natin, hindi iisa, kundi bawat isa.”

Sa ika-35 anibersaryo ng EDSA People Power revolution, ginunita ng pangalawang pangulo ang mga korupsyon at pang-aabuso ng rehimeng Marcos, na natuldukan sa pamamagitan ng mapayapang rebolusyon ng mga Pilipino noong 1986.

Ayon kay Robredo, hindi dapat natatapos sa EDSA revolution ang pakikipaglaban sa demokrasiya.

Lalo na’t may mga nais pa ring baliktarin ang kasaysayan.

“Our democracy, ever fragile, is still under constant threat. There are efforts to revise history for the personal agenda of a powerful few. We are still in the process of forging the nation we dreamt of, and fought for, on EDSA.”

“Today, we are reminded of what we can do, marching towards a shared horizon, bound not only by the crisis we face, but by our collective resolve to truly achieve the promise articulated 35 years ago—isang lipunang mas malaya, mas makatarungan, at mas makatao.”