Nanawagan si Vice President Leni Robredo sa publiko na depensahan ang tinatamasang kalayaan sa gitna ng mga banta sa demokrasya sa bansa.
Sa isang Facebook video message kagabi, sinabi ni Robredo na sa panahon ngayon ay maraming banta sa demokrasya sa Pilipinas.
Kaya marapat aniyang gawing linawag ang lakas at sakripisyo ni Hesus upang patuloy na tumindig at magkapit-bisig sa pagtatatanggol ng kalayaan ng bawat isa.
“Magsilbing paalala rin sana ang araw na ito sa ating lahat na sa huli, sa kabila ng kadiliman at kahirapan, ang kabutihan at pagmamahalan pa rin ang mananaig,†dagdag pa nito.
Gawin aniya ito hindi para sa pansariling interes lamang, kundi para sa kapakanan din ng kapwa Pilipino.
Ayon pa sa bise presidente, anuman ang pinagdadaanan o kahirapan ay dapat gawing inspirasyon si Kristo para huwag mapanghinaan ng loob.