-- Advertisements --

MANILA – Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga kababaihan na magkaisa sa gitna ng mga pagsubok na patuloy na hinaharap ng sektor sa kasalukuyang panahon.

Ang paghimok ni Robredo ay kasabay ng pagdiriwang ng International Women’s Day, kung saan binigyang pugay niya kung paano ipinaglaban ng mga naunang lider ang karapatan ng mga kababaihan.

“Today we affirm the strength of women, and celebrate the years of tireless struggle that our foremothers went through so that the women of today have wider pathways to empowerment,” ayon sa statement ng bise presidente.

Para kay VP Leni, maraming dahilan para ipagdiwang ang pagiging babae.

“The right to vote, improved economic and political participation, and stronger legislation protecting women’s rights embody a world that has become more gender-equal over the past several generations.”

Sa kabila nito, aminado ang pangalawang pangulo na mahaba-habang laban pa ang kailangang harapin ng sektor para mapagtagumpayan ang hindi patas na trato ng karamihan sa mga kababaihan.

“There are still places in this world where women are denied an education, forced into marriages, and left with no choice but to dream smaller. And even in spheres where women participation has improved, gaps in gender balance at the highest levels of leadership still need to be filled to truly create a more inclusive, holistic climate of change.”

Ayon kay Robredo, mahalagang magsimula sa bawat kababaihan ang pagkakaisa para mabasag ang ano mang balakid sa pagiging malaya ng komunidad.

Ito rin daw ang magiging susi para magkasundo ang bawat isa, nang hindi lamang sa lipunan ng mga kababaihan.

“So as we honor the victories of those who came before, let us blaze new trails for others to follow. Let us answer the calls to leadership, face the trials of our time with resolve, and strive towards a fairer, kinder, more humane world, where no one is left behind.”