-- Advertisements --
ROBREDO GRAD 2
IMAGE | Vice President Leni Robredo led the graduation ceremony for the 1st batch of the Angat Buhay Young Leaders in Government (ABYLG) Fellowship Program, a joint initiative between her office and the Friedrich-Ebert-Stiftung (FES) Philippines. A total of 39 fellows in various designations from agencies in both local and national levels took part in this fellowship. (Photo by Jay Ganzon/OVP)

Maanghang ang buwelta ni Vice Pres. Leni Robredo sa mga kritiko na tila isinisi pa sa kanya ang pagkakasibak bilang anti-drug czar.

Sa pagharap ni Robredo sa graduating fellows ng Angat Buhay Young Leaders in Government Fellowship ng Office of the Vice President, hindi nito pinalagpas ang pagkakataon na banggitin ang mga pagsubok na kanyang hinarap bilang pulitiko.

“Napakahirap ng panahon ngayon, ‘di ba? Napakahirap ng panahon. Pero if at all, what we want to achieve after your graduation is that you will find yourselves a home.”

“Paminsan kasi it is so difficult to be ethical, it is so difficult to be empowering, it is so difficult to be inclusive in an environment which does not promote that kind of leadership.”

Ayon sa bise presidente, tila nakagawian na ng ilang opisyal na magbato ng sisi sa gitna ng limitadong trabaho.

“Ang pinakamadali kasi is to pass the blame on others. “Hindi ko nagawa iyong trabaho ko kasi uninspired ako sa aking boss.” “Hindi ako nagpe-perform well kasi hindi ako namo-motivate ng aking boss.” Kapag ganoon iyong ating mga dahilan, hindi tayo tunay na leader.”

“Pero ang tunay na leader, magsasabi, “Kahit uninspiring iyong aking boss, ginagawa ko pa din nang maayos iyong trabaho ko.” “Kahit napakahirap, ginagawa ko pa din nang maayos iyong trabaho ko.” “Hindi ako nagpapaapekto kahit iyong boss hinahadlangan iyong lahat kong ginagawa. Basta ako, kapag hinadlangan niya, maghahanap ako ng ibang paraan.”

Kung maalala, naging hamon kay Robredo na sundin ang kanyang mandato na walang malinaw na sakop mula sa palasyo.

Minaliit naman ni Sen. Bong Go ang higit dalawang linggo niyang pag-upo sa nter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) dahil wala naman daw namatay na drug lord sa loob ng naturang panahon.

“Ang pinakamadali kasi ipasa, ‘di ba? Parating… Ano naman iyon, human nature iyong “the grass is always greener on the other side of the fence”. Parang we always wish for what is not. Human nature iyon. Kahit ako, ganoon din.”

“Pero iyong challenge sa atin, paano natin lalabanan iyong human nature natin na iyon. Paano natin lalabanan iyong we allow forces external to us to hamper us from the things that we want to do.”

Una ng nangako si VP Leni na bagamat sinibak siya sa pwesto ay magpapatuloy ang kanyang plano para makatulong sa war on drugs campaign ng administrasyon.