Nagbalik tanaw si Vice President Leni Robredo sa ilang mahahalagang tagpo bilang paggunita sa pagkamatay ni dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino.
Sa kanyang mensahe, inalala ng pangalawang pangulo ang pagpaslang sa dating senador, sa gitna nang adbokasiya nito para sa publiko.
“We remember his death: How he was murdered before he even set foot on the tarmac, coming home from exile to continue the struggle for our freedoms and dignities.”
“We remember why he was killed: For speaking truth to power. For believing that we deserve better as a people. For hoping, and acting on that hope, and being brave enough to lay down his life for that hope.”
Ayon kay Robredo, imbis maging banta ay nagsilbi pang mitsa ang pagpatay kay Aquino para magkaisa ang mga Pilipino, at hanggang ngayon ay dama pa rin daw sa iba’t-ibang pagsubok.
“Sa halip na matakot, lalo tayong tumapang. Sa halip na sumuko, nagkaisa tayo at tumindig. In Ninoy’s death, we began to realize how we are all bound together— even more tightly during times of oppression, suffering, and crisis.”
Para sa bise presidente, ang pagkamulat na ito ng mga Pilipino ang naging daan para mapalaya ang sambayanan mula sa kalbaryong dinulot ng opresyon.
“Namulat tayong magkakarugtong ang diwa natin— na ang sistemang kayang pumaslang sa isa ay sistemang kayang pumaslang sa lahat. In this realization, we found solidarity; we found the strength to take the first steps towards a freer, fairer, more humane society; we found hope, and the courage to stake our lives on that hope, just as he did.”
Sa gitna ng mga hinaharap na pagsubok, hinimok ni VP Leni ang mga Pilipino na balikan ang paniniwala ni Ninoy sa magandang bukas.
“This is a sentiment that we all hold— that things should be better, and things can get better. Our strength as a nation emanates from our collective resolve to do what we can to move towards this better horizon.”
“Today, as we endure yet another dark night, we draw inspiration from Ninoy’s story: From his courage, from his steadfast faith in our people, from his heroism.”
Umaga ng August 21, 1983 nang patayin si Aquino makaraang lumapag ang eroplanong kanyang sinasakyan sa Manila International Airport.
Sinasabing ang dating administrasyong Marcos ang utak sa pagpatay kay Ninoy. Ang pagpaslang sa dating senador ang naging hudyat ng makasaysayang EDSA People Power Movement, na nagpatalsik sa diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.